1. bitarnespayn, payn. wala na akong karapatang maging bitter.
nung bigayan last wednesday para akong batang maganda ang gising ng christmas day. panu naman, dalawa ang aking nakuhang gift. everyone kept saying, "aba, bumawi", especially nung nakitang the best of The Corrs yung isa kong regalo.
ang magaling kong kiridang si mumiel, nung sinabi kong nahihiya ako dahil cd pa lang, 400 na kaagad ay ito ang sinagot:
"pahiya ka noh! beh!"
stage zero.
payn, payn. medyo nagdadalawang isip na ako regarding the penalty. nagvevent lang naman ng frustrations at pagkastage zero eh. pero yon. ok na sa kin ang isang matinong rason.
matino, as in balidong rason na talgang nung gabing iyon, wala siyang choice kundi ang hindi maibigay ang gift ko. bratinella pa ba iyon?
2. michnung thursday, the block went to an orphanage sa may un ave. ewan ko ba, that wasn't the block's xmas party pero hmmm. ewan. anyway, so. mich is the name of the kid i was "assigned" to.
"assigned" dahil i was not really meaning to pick her. ganito yan e. i was only walking towards koko, na nakaupo sa second row of seats, to borrow the key to his car dahil andun ang balloons para sa birthday girl mel. the little girl in peach was frantic about getting an ate or kuya of her own, at nagkataong ako ang naglalakad malapit sa kanya.
totoo. hinaltak nya ako. at sabay tanong ng, "ikaw ba ate ko?" hindi siya aggressive ha.
but she was sweet. she has the makings of a bratinella, sure, but she was sweet. when it was time to say goodbye kinailangan nya pa talagang tumalon pakalga sa akin. ok sana ang moment eh, hindi lang sana ako tinamaan sa panga. =)
nakakatawa ang moments na yon.
regresyon kung regresyon. proofs?
a. wansi ang may hawak ng mga balloons.
b. nagtatamaan ng balloons sa ulo.
c. ako, feeling ko espada ni voltes 5 na nagiging lighter ang balloon ko.
d. wansi ang may suot ng mga animal party hats
e. nung dumating si jollibee, wansi ang umakyat sa stage. at may photo-ops eto.
i rest my case.
3. melohmmm. how shall i describe that event.
hectic.
madrama.
may pagkasabog.
pero in the end, it went well. =)
apir mumiel. may future tayo sa pagiging party planners. o hindi kaya ay yung mga gwardya ng presidente.
apir din sa mga natirang lovely people of da perm. ang saya nating mangdistract.
sadyang natatawa ako kapag naaalala kong to keep mel from going out of the orphanage and spoiling our gift for her ay kinailangan kong maging mas stage zero pa [subzero, according to me-an] at iask si mel na samahan ako sa washroom dahil kunwari ay i had to go talaga. nakakadiri. ganito ang aking linya: "ate mel, samahan mo ko sa washroom..." at may kasama pang hatak sa kanyang kamay. hehehe.
bummer lang si jv. nauna kasi sila sa starbs at dala nila ang balloons. nilagay lang sa tabi ng sofa. at nang dumating na ang birthday girl...
jv: [talking about something i can't remember anymore] ay oo nga pala, bago natin makalimutan, happy birthday mel! [at pinakita ang balloons habang nagsimula nang magkantahan nang happy birthday ang mga tao]
galing mo talaga salud. gaya ng sabi ko sayo, wala ka talagang style. =D [so pwede na nya akong kasuhan ng libel? hindi pa naman siya namamatay ha.]
sayang, hindi namin nagawa ang pink cake.
happy bday dear mel! =)
4. sataday drivingwala si kuya nar today, facilitating some church seminar i never was allowed to be a part of. yesterday was one of those rare moments when i was confident that dad would give me what i ask of him. so, last night, when he fetched me, ganito agad ang discussion. take note, kasasakay ko pa lang ng car sa may starbs.
y: dad panu yan, wala si kuya nash bukas.
d: e di si kuya santi mo.
y: hindi ba sila aalis ni mami?
d [habang paliko sa may brothers burger]: hindi, magpapacheck up si mom eh. siyempre baka ako kasama non.
y: ah ganun ba. kasi balak ko sana, kung may lakad si mom kasama si tito santi, e ako na lang sana mag drive for myself.
d [habang naghihintay mag-green yung stoplight sa may bridge dyan sa may loft]: NAKSS.
nag-green na ang stoplight.
d: kaya mo na ba magdrive?
y: eh, ipapark ko naman sa tapat ng ateneo eh. tsaka kung mahirapan akong magpark, may mga guards namang tutulong magpark. kung walang guards, may mga friends din naman akong pumapasok ng maaga e, papatulong na lang akong magpark.
katahimikan. [sshhh chito.]
d [habang nasa may gitna na kami ng bridge]: si kuya santi, pwede siya bukas.
=__= moment istatute.
nakakatuwa si dad. he called up mom when we were in edsa at nagkwentuhan sila about the business until sucat. kahit kanina, nakikipagtalastasan with his supplier. tsinitsika about the supplier's kids.
sori ha, sa sobrang minsan ko lang sila makasama nagugulat na ako everytime i see them having a good day.
tapos, a couple of lull moments after talking to the supplier, ganito ang diskusyon:
d: wag kayong masyadong pumunta sa stores.
y: huh?
d: for security reasons. kung pupunta kayo sandali lang. ako nga hindi na magpapajero pag punta don.
y: ah. si chito, pwedeng regularly pumunta don.
d: bakit naman.
y: e kasi ok lang naman siyang makidnap e.
sa toll gate, katabi namin ang isang cool na cool na sports car.
d: ang ganda ng kotse o. ang liit.
y: yup.
d: pwede kay jazz yan. [jazz ang tawag ng aking parents kay chito. as if he's not gay enough]
y: ano? kay chito, sports car? andaya naman.
d: masyado ka namang inggitera.
y: aba, aso lang sports car ang ibibigay mo? talagang pakikidnap ko yang si chito.
nung iddrop na nya ako sa tapat ng school. nasa labas ang ilan sa aking blockmates.
d: may mga classmates ka dyan?
y: oo, yan o. [pointing to the people who were smoking then]
d: alin, yang naninigarilyo?
y: oo [sabay baba ng car]
d: baka matulad ka dyan ha.
y: hindi ah. [sabay sara ng pinto.]
hahahaha. apir dada. =)
5. futureganito. kung si kiboy ang magiging ombudsman, at si mumiel ang magiging presidente,
ako ang magiging executive secretary na ang sideline ay pagiging press secretary.
harhar.
nalimutan ko na ang roles ng iba e. sori.
basta. ang pinakainaalagaan kong fantasy ay ito. may press con akong ginaganap, at may isang makulit na reporter na nagtanong ng isang tanong na hindi ko masagot. tatahimik na lang ako, baba sa podium. kukunin ang official seal of the president, at ihahambalang iyon sa ulo ng makulit na tagatanong na iyon.
[insert evil grin here]
****
hay. ayoko na.
para matapos na ang aking lss, eto na. mean and mumiel, here we go. DISCLAIMER,
kanta lang ito.akin ka na langitchyworms‘Wag kang maniwala d’yan. ‘Di ka n’ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n’yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n’ya
Chorus
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa ‘yo
Verse 2
‘Di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo’y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n’yan, ‘wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika’y mabiktima (’Wag naman sana)
Repeat Chorus
Refrain
‘Di naman sa sinisiraan ko ang pangit na ‘yan
‘Wag ka dapat sa’kin magduda, hinding-hindi kita pababayaan!
Repeat Chorus
Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
At wala nang hihigit pa sa ‘yo
Wala nang hihigit pa sa ‘yo (akin ka na lang)