my current last phrase syndrome torturer.
finally. for the first time, i was allowed to bring the car to school.
di ba, di ba. buhay pa naman ako di ba.
nagsimula last week. wednesday ata, dad fetched me. paglagpas ng tollgate, may nakita kaming nahuli ng mmda ng laguna =p several seconds after that,
upon reaching the intersection, naputol ang lull moment:
Dad: anong gagawin mo kung nahuli ka ng pulis?
kahit na dapat blow siya sa ego [dahil he's assuming that i'll get caught] i considered it a good sign.
hindi pa pala nasisira ang confidence niya sa akin.yeeeeeeeeeee.
so lesson in getting caught by dad:
a. makipagdebate about the violation. convince him that you didn't commit the violation. kelangang magaling umarte at magsinungaling sa stage na to.
b. magbanggit ng relative na may connection.
c. if all else fails, ask for the ticket, instead of giving him lagay. this one's my personal fave. if only i can remember the name of that case.
then saturday, kuya nas fetched me. tatanungin ko sana kung magandang sign yun na nilecturan ako ni dad sa getting caught nang bigla niya cinonfirm, pagdadalhin na ako ng car.
yeeeeeeeeeee.
ansaya. tuesday night when mom was fixing everybody's scheds nahiritan ako ng isa sa mga cherished hirits ko of all time:
Dad[nung nalamang sa kanya pa rin ako sasabay]: e bakit hindi ka na lang magkotse?yeeeeeeeeeee. =D
tapos last night i was half excited, half pissed off because mom sort of tried to stop me from driving today. masyado daw mahal ang bayad sa mga drivers. magpadrive na lang ako. i was bitchy at her, may i just say.
pero nagwagi ang confidence ni dad. last night when he got home mom told him about me planning to bring the car today. he didn't say a thing. tapos kanina, one of the reasons why i woke up so damn early was because i was sort of expecting to hear him refuse to let me bring the car.
pero hindi.
Mom: dad, dadalhin niya daw ang kotse.
Dad: so, kung magdadala siya.
isa pang yeeeeeeeeeee. [nakakadiri na ito.]
i almost brought the car yesterday, but mom stopped me from doing so, apparently because nangangamoy pintura pa rin ang kotse. my rationalization for that was,
i smashed the car on a wednesday.and yes, yesterday was another wednesday.
but i'm telling you, my drive kanina wasn't a breeze. ilalabas ko pa lang ang kotse when i realized, dang, totoo na to. i was freaking scared that i might hit again the gates with my side mirror, i had to be reminded by the maid to breathe and take things seriously. it also freaked me out a little upon realizing that
dammit, i just called myself darling.valuable lesson in life that i've learned from driving, number one:
stop taking the easy way out.parking na lang. haha.
~~~~
upon arriving earlier today, i went to the washroom to try to wake myself up. may kasabay akong isang girl, wala lang. suddenly she talks to me.
G:ahm, excuse me, anung year mo na?
Y:first year.
G:ah. kamukha mo si kitchie nadal.
Y:huh? [half laugh]
G:oo. oy, favorite ko yun ha. sabi ko kung makakasabay ko yung girl na yun sa washroom sasabihin kong kamukha niya si kitchie.
turned out she's a senior. until the time she left i was still contemplaining on whether,
a. that was a compliment, which i should say thank you for, and
b. i really look like a lesbian.
hay.
hindi ako bakla. babae ako.to end this na [because i want to go to the washroom and look for my fan, hehe] one of my current faves.
lagi mo na lang akong dinededmarocksteddy
Mahal kita pero di mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sakin kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Mahal kita pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo hindi ako nagsasalita wala
Pero hindi ako torpe
Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan di rin kita titgnan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong doon din naman ang tuloy nyan
At dalawa din lang naman ang posibleng sagot dyan oo o hindi
Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa
Mahal kita, pero di mo lang alam
Mahal kita, pero di mo lang ramdam
Mahal kita, kahit di mo na ako tinitignan
Mahal kita, kahit lagi mo na lang akong dinededma